CAUAYAN CITY – Magtatapos na ngayong araw ang Service Contracting Program o ang Libreng Sakay ng LTFRB Region 2.
Naging malaking tulong ito sa mga manggagawa na kailangang araw araw na gumagamit ng pampublikong transportasyon upang makapasok sa trabaho.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LTFRB Regional Director Edward Cabase, sinabi niya na dahil ngayong araw din ang pagtatapos ng Bayanihan 2 na pinanggalingan ng pondo para sa nasabing programa ay magtatapos na rin ito.
Umaasa ang LTFRB Region na magkakaroon muli ng katulad na programa sa Bayanihan Act 3 dahil malaki ang naitulong nito sa mga mananakay nal nakatipid ng pasahe sa araw-araw nilang pagpasok sa trabaho.
Aniya marami ring mga tsuper at kooperatiba ang nakinabang sa programa kaya maituturing na ito ay matagumpay.
Kasalukuyan pa ang pagproseso ng mga kawani ng LTFRB Region 2 sa mga dokumento ng mga hindi pa nakakakuha ng ayuda o hindi pa nababayaran at hindi sila umuwi hanggang matapos ito dahil ngayong araw na ang deadline.
Nasa mahigit apatnaput pitong milyong piso na ang naipamahagi ng ahensya at may mga kasalukuyan pang pinoproseso.
Tiniyak naman ni Regional Director Cabase na maipapamahagi pa rin ang mga benepisyo sa mga benepisaryo kahit pa tapos na ang programa.
Pinag iisipan naman niya kung ano ang gagawin sa mga lugar na walang masyadong pampublikong transportasyon tulad sa lalawigan ng lunsod ng Tuguegarao dahil na kasailalim pa rin sila sa MECQ lalo na ang mga ospital na hindi masyado napupuntahan ng mga pampublikong sasakyan.
Aniya ang dati nilang ginagawa ay pinapahiram nilang ang kanilang service sa mga ito.