--Ads--

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng malawakang relief operations ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, spokesman ng pamahalaang panlalawigan, sinabi niya na handa na ang mga ayuda para sa lahat ng mga bayan at 2 Lunsod sa Isabela.

Aniya, aabot sa 70,000 bags ng bigas ang ipapamahagi ng pamahalaang panlalawigan sa lahat ng mga bayan at lungsod sa Isabela na binubuo ng 427,673 households.

Aabot naman sa 2,400 na karton ng mga delata ang ipapamahagi rin ng pamahalaang panlalawigan.

--Ads--

Ayon kay Atty. Binag, ang malawakang relief operations ay magsisimula ngayong April 2, 2020

Tinig ni Atty. Elizabeth Binag

Pangungunahan ng Tactical operations Group 2 ng Philippine Airforce ang paghahatid ng ayuda sa mga coastal towns ng lalawigan.