--Ads--
Libo-libong bumbero ang patuloy na nakikipaglaban sa malawakang bushfire sa Victoria State, Australia na sumira sa mga bahay, nagdulot ng malawakang pagkawala ng kuryente, at tumupok sa mahigit 300,000 ektarya ng kagubatan.
Ayon sa mga awtoridad, mahigit 130 istruktura ang nawasak at tinatayang 38,000 bahay at negosyo ang nawalan ng kuryente. Nasa sampung malalaking sunog pa ang patuloy na naglalagablab sa buong estado, na itinuturing na pinakamalubha mula noong Black Summer bushfires noong 2019–2020.
Ayon sa pamahalaan ng Victoria, libo-libong bumbero ang naka-deploy upang pigilan ang pagkalat ng apoy, habang idineklara namang disaster zone ang malaking bahagi ng estado dahil sa matinding init at mapanganib na kondisyon ng panahon.










