--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa P/80,000.00 ang natangay ng magnanakaw sa bahay ng isang negosyante sa Brgy. San Andres, Diffun, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Diffun Police Station, ang bahay ay pag-aari ni Dencio Buyo, 39 anyos, may asawa at residente ng lugar.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na dumaan sa bintana ang hindi pa nakikilang suspek at pinasok ang kwarto ng biktima.

Dito kinuha ang ilang cellphone ng negosyante at ang nasabing halaga ng pera.

--Ads--

Agad tumakas ang suspek na ginamit ang harapang pintuan ng bahay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang madakip ang nasa likod ng pagnanakaw.