--Ads--

CAUAYAN CITY- Sumampa na sa libu-libong ektarya ng pananim ang lubog ngayon sa baha bunsod ng mga pag-ulang dala ng bagyong Kristine sa Ilagan City, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Public Information Officer Paul Bacungan ng City of Ilagan, sinabi niya na batay sa inisyal na datos ng Kagawaran ng Pagsasaka ay lubog sa baha ang nasa 1,366 na hektarya ng palayan sa Lungsod.

Aabot naman sa 638 na maisan ang napinsala rin ng baha kung saan 285 ektartya mula rito ang katatanim pa lamang at 353 ektarya naman ang nasa reproductive stage na.

Aabot naman sa 10,454,000 pesos ang kabuuang halaga o farm gate price ng mga napinsalang pananim.

--Ads--

Samantala, umabot na hanggang bubong ang tubig-baha sa ilang mga kabahayan sa lungsod ng Ilagan pangunahin na ang mga malapit sa Baculud Bridge.

Hindi na rin madaanan pa ang ilang mga kalsada sa Lungsod kaya minabuti na nilang gumamit ng jet ski upang makatawid lamang ang mga residente.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang pamamahagi ng relief goods ang pamahalaang panlungsod ng Ilagan sa mga apektadong indibidwal.