CAUAYAN CITY– Umabot sa mahigit 1.2 million pesos na halaga ng family relief packs ang ibinahagi ng DSWD region 2 sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Maring sa rehiyon dos.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Information Officer Mia Carbonel ng Disaster Response Management Division DSWD region 2 na aabot sa 1,760 family food packs ang naibigay sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Maring sa District 1 at District 2 ng Cagayan habang may karagdagan pang 1,200 family relief packs ang naibigay sa Aparri, Cagayan.
Umaabot sa 11,121 pamilya o 39,439 katao sa Cagayan ang naapektuhan ng bagyong Maring.
Mayroong naitalang anim na totally damage na bahay at anim pang partially damage na bahay sa Gonzaga, Cagayan at Quezon, Nueva Vizcaya.
Batay anya sa kanilang data, aabot sa 1.2 million pesos ang halaga ng family relief packs na maibabahagi sa mga naapektuhang pamilya.
Patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Municipal Social Welfare Development Office at mga LGUs para sa pamimigay ng mga family relief packs.











