--Ads--

Libu-libong local tourist, inaasahang dadagsa sa Magat dam sa Semana Santa

CAUAYAN CITY – inaasahan na libu-libong local tourist na galing sa iba’t ibang lugar ang magtutungo sa Magat dam sa Ramon, Isabela sa nalalapit na Semana Santa.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa mga opisyal ng barangay ng General Aguinaldo, Ramon, kahit na araw ng Sabado at Linggo maging sa holiday ay marami nang nagtutungo sa Camp Vizcara, gayundin sa Magat high dam.

Dahil dito, ngayon palang ay naghahanda na sila sa nalalapit na Semana Santa.

--Ads--

Ayon pa sa mga pinunong lokal ng Ramon, kailangan nilang paghandaan ang kaayusan at kaligtasan ng mga nagtutungo sa Magat dam.

Isa sa mga atraksyon ngayon na dinadagsa ng mga local tourist ay ang mga bangka na nirerentahan upang ma-enjoy ang paglilibot sa katubigan ng Magat dam.

Gayunman, tinitiyak ng mga opisyal ng barangay na ang mga bangka ay mayroong barangay permit kanilang tiniyak na mayroong suot na life vest ang bawat sakay ng bangka para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Maging sa Camp Vizcara sa Ramon kung saan mayroong grotto ay isa ring dinudumog ng mga deboto sa panahon ng Semana Santa.