--Ads--

Libu-libong tao ang nananatili sa mga evacuation Centers sa ikalawang Rehiyon dahil sa naganap na malawakang pagbaha dulot ng bagyong Paeng.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Michael Conag, tagapagsalita ng Office of Civil Defense o OCD region 2 na aabot sa 58,010 families ang naapektauhan ng malawakang pagbaha sa ikalawang rehiyon.

Sa ngayon ay mayroon pang 3,896 na pamilya na binubuo ng 12,905 na tao ang nananatili sa  evacuation centers dahil lubog pa rin sa tubig baha ang kanilang mga bahay. Sila ay patuloy na binibigyan ng mga food items at non-food items.

Nagtutulungan sa pamimigay ng mga relief goods ang mga kasapi ng Philippine Coast Guard, BFP, AFP at mga LGUs.

--Ads--

Pinakamaraming nailikas na residente sa Isabela at Cagayan habang mayroon ding inilikas sa Nueva Vizcaya at Quirino.