CAUAYAN CITY – Umabot na sa 19 na tulay at mga daan sa ilang bayan sa region 2 ang hindi na madaanan dahil sa dalawang araw nang tuluy-tuloy na pag-ulan bunsod ng amihan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ronald Villa, chief ng operations section ng Office of Civil Defense (OCD) region 2, sinabi niya na 19 na overflow bridges at anim na bahagi ng kalsada sa buong rehiyon ang hindi madaanan dahil sa tuluy-tuloy na pagbuhos ng ulan.
Samantala, patuloy na nadadagdagan ang naitatalang lumilikas na pamilya sa Cagayan, Isabela at Quirino dahil sa pagbaha.
Dito sa Isabela ay libu-libong residente na ang inilikas sa mga evacuation center sa ibat iba’t ibang bayan at lunsod.
Ptuloy ang paglikas sa mga residente sa mga mababang lugar at malapit sa ilog at sapa sa Lunsod ng ilagan, San Mariano, Benito Soliven at Lunsod ng Cauayan dahil inabot na ng tubig-baha ang kanilang mga bahay.
Tiniyak ni Ginoong Villa na sapat ang mga food packs na ibibigay sa mga nasa evacuation centers gayundin sa mga pansamantalang nananatili sa kanilang mga kamag-anak.
















