--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanawagan ang pinuno ng Roxas Police Station sa mga may-ari ng baril na nagpaso na ang lisensiya na samantalahin ang License to Own and Possess Firearms o (LTOPF) Caravan sa nasabing bayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Chief Inspector Dennis Pamor, hepe ng Roxas Police Station na ang LTOPF Caravan ay isasagawa sa Biyernes, March 9, 2018 sa Vira Community Center.

Sinabi ni Chief Inspector Pamor na sa pamamagitan ng LTOPF Caravan ay mas mapadali ang proseso ng pagpaparenew ng lisensiya ng mga gun owner.