--Ads--

Patuloy na umaani ngayon ngbatikos ang tinaguriang Nepo baby na si Claudine Julia Monique Co matapos ang ilang pahayag sa kontrobersiya na kinakaharap ng kaniyang pamilya.

Sa isang deleted social media post sinasabing naglabas ng saloobin si Claudine.

“LIKE, hello? Wala kaming utang na loob sa mga Pilipino, okay? This is not from taxpayers’ money, the Government literally paid us for the service that our business provided. Gets?”

Ang viral na sagot ay tugon sa mga batikos sa kanyang marangyang pamumuhay mula sa mansion, luxury bags, at paglalakbay sa mahigit 38 bansa, hanggang sa isang hapunan sa BGC na umabot sa ₱938,000 sa isang resibo. Ngunit higit pa rito, ang tanong ng publiko ay ang pinagmulan ng yaman ng pamilya Co.

--Ads--


Si Claudine ay anak ni Christopher Co, may-ari ng Hi-Tone Construction and Development Corporation isa sa top 15 contractors na nakakuha ng pinakamaraming flood control projects sa bansa. Pamangkin din siya ni Zaldy Co, CEO ng Sunwest Group of Companies, na kabilang din sa parehong listahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Dahil sa sunod-sunod na batikos, dineactivate ni Claudine ang kanyang YouTube channel at iba pang social media accounts. Milyon ang kanyang followers noon bilang lifestyle vlogger, ngunit ngayon ay tila naglaho siya sa digital space.


Ang pahayag ni Claudine na “wala kaming utang na loob sa mga Pilipino” ay lalong nagpaalab sa damdamin ng publiko. Marami ang nagpunto na ang bayad ng gobyerno sa mga proyekto ay galing sa buwis ng mamamayan kaya’t may karapatan ang publiko na magtanong at mag-usisa.