--Ads--

CAUAYAN CITY – Maraming aktibidad ang isasagawa bukas ng Bureau of Fire Protection o BFP bilang bahagi ng paggunita ng Fire Prevention Month sa buwan ng Marso.

Ang tema ng 2018 Fire Prevention Month ay “Ligtas na Pilipinas ang ating hangad. Pag-iingat sa sunog ay sa sarili ipatupad”.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Supt. Joanne Vallejo, spokesperson ng national headquarters ng BFP, sinabi na niya na tampok bukas ang fire prevention rally.

Sa rally ay dala ng mga kalahok ang mga placard na naglalaman ng mga paalala kung paano maiwasan ang sunog.

--Ads--

Dakong alas singko ng madaling araw ay isasagawa ang motorcade sa Quirino Grandstand at alas sais ng umaga isasagawa ang Ligtas Pilipinas rally.

Dakong alas sais kuwarenta ng umaga ang kickoff ng fire prevention month observance.

Ayon kay Fire Supt. Vallejo, ang kickoff ceremony ay sabay-sabay na isasagawa sa mga bayan, lunsod at lalawigan sa bansa.

Isasagawa rin ng BFP ang demonstration ng kahandaan sakaling mangyari ang The Big One.

Sa Maynila ay isasagawa ang National Fire Olympics na paligsahan sa pagpapakitang gilas ng ibat ibang units ngf BFP.

Idaraos din ang Fire Safety Expo para makita ang mga ibinebentang kagamitan sa fire safety.

Muling nanawagan si Fire Supt. Vallejo ang pakikipagtulungan ng mga mamamayan para maiwasan ang sunog.