
SONY DSC
CAUAYAN CITY – Umabot na sa limang batch ng mga manggagawa ng construction at manufacturing firm sa ikalawang rehiyon ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Information Officer Chester Trinidad ng DOLE region 2 na may kasunduan sa pagitan ng DOLE, National Employment Recovery Strategy Task Force at Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na kapalit ng mga mababakunahang manggagawa ay akailangang makagawa ng 1 million jabs
Sa limang batch ng vaccination ay tatlo sa Isabela, dalawa sa Lunsod ng Ilagan at isa sa Lunsod ng Cauayan.
Nasa isang batch naman sa Nueva Vizcaya na naka-schedule sa araw ng Martes, November 23, 2021 habang ang isang batch sa Cagayan ay natapos na ang pagbabakuna para sa mga manggagawa ng construction at manufacturing firm.
Isusunod na rin nila ang pagbabakuna sa lalawigan ng Quirino at iba pang lugar sa ikalawang rehiyon.
Sinabi pa ni Ginoong Trinidad na inaprubahan ang kahilingan ng DOLE na mabakunahan ang 452,000 workers sa mga industriya na krusyal para sa recovery ng ekonomiya pangunahin na sa construction at manufacturing firm.










