Limang sasakyan ang nasangkot sa isang aksidente sa Purok 7, Barangay San Fermin, Cauayan City kagabi, Nobyembre 2, 2025 partikular sa tapat ng isang punerarya.
Batay sa paunang impormasyon, bandang 11:16 ng gabi nang matanggap ng Rescue Cauayan ang tawag kaugnay ng insidente at agad silang rumesponde sa lugar.
Tatlong indibidwal ang naiulat na sugatan sa naturang aksidente, dalawang babae na nagtamo ng pananakit sa kaliwang binti at isang lalaki na nagtamo naman ng pamamaga sa noo na itinakbo naman agad sa malapit na pagamutan.
Ayon sa inisyal na ulat, nawalan umano ng kontrol ang isang sasakyan at bumangga sa apat pang sasakyang nakaparada, dahilan upang magresulta sa pinsala at pagkakasugat ng ilang biktima.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng aksidente, kabilang ang posibilidad ng mechanical failure, kondisyon ng kalsada, o kapabayaan ng nagmamaneho.
Sa ngayon, nananatili pa sa pagamutan ang mga biktima para sa karagdagang pagsusuri at medikasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon..
--Ads--











