--Ads--

CAUAYAN CITY – Lahat ng mga paaralan sa Cauayan City ay magsasagawa na ng limited face-to-face classes simula sa Lunes, March 7, 2022.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Schools Division Supt. Alfredo Gumaru Jr ng Department of Education (DepEd) Cauayan City na lahat ng 79 na paaralan sa Lunsod ng Cauayan ay magsasagawa na ng limited face-toface- classes.
Ayon kay Dr. Gumaru, inirekomenda nila na kung 30 ang mag-aaral sa isang klase, puwedeng ang 15 ay papasok sa Lunes, habang ang kalahati ay sa Martes.
Puwede rin na sa buong linggo ay papasok ang unang batch habang ang ikalawang batch ay sa susunod na linggo.
--Ads--
Ang mga mag-aaral na walang pasok ay itutuloy ang kanilang modular learning.










