Muling nagpaalala ang hanay ng Public Order and Safety Division (POSD) sa lahat ng mga mamamayan sa lungsod ng Cauayan hinggil sa Liquor Ban na nakababa ngayon sa buong lalawigan dahil sa nakataas na signal No. 1, maging ang hanay ng mga nagtitinda ay ipinaalalahanan ng departamento.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallinllin, isa sa mga titignan nila ngayon ay ang mga kababayan na nagtitinda ng nakakalasing na inumin.
Aniya, ipinagbabawal sa ngayon ang pagtitinda maging ang pagkonsume nit, kaya’t dapat sumunod ang mamamayan. Sakaling maaktuhan at makita ng hanay ng POSD na may mga nagtitinda ay mahaharap sa penalty ang nasabing tindahan at ang pinaka-worst ay ang pagkakasupende ng mga tindahan na magbebenta ng mga nasabing alak.
Maging ang mga kababayan ay pina-alalahanan din na kung maaari wag ng maging pasaway at sumunod bagamat ganito ang nararanasang klima. Giit pa ng POSD Chief, batay naman sa kanilang monitoring sa lungsod ng Cauayan ay lahat naman ng kababayan ay sumusunod sa ganitong klase ng patakaran at wala pa rin mga naitalang nahuhuli.











