--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinang-ayunan ni Judge Hukom Raul Babaran ng Regional Trial Court Branch 19, Cauayan City ang motion to bail na unang inapela ng kampo ng Liga ng mga Barangay President Reynaldo Panganiban ng Angadanan, Isabela sa kasong isinampa laban sa kanya kaugnay sa panunutok ng baril sa isang kasapi ng PNP sa Alicia, Isabela.

Una nang sinampahan ng kasong direct assault upon a person in authority at paglabag sa Republic Act 10591 (New Firearms Law) si LMB President Panganiban sa piskalya sa ilalim ng inquest proceedings matapos mahuli ng mga kasapi ng Alicia Police Station.

Isa sa isinampang kaso kay Panganiban ay no bail pangunahin na ang paglabag sa RA 10591 gayunman ay umapela ang mga abogado nito sa RTC Branch 19, Cauayan City.

Batay sa court order, nasa P/200,000.00 ang inilaang piyansa ng hukuman sa kanyang kaso may kaugnayan sa paglabag sa RA 10591 maliban pa sa P/12,000.00 piyansa sa kasong direct assault upon a person in authority.

--Ads--