--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapiit na sa Nasa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang Liga ng mga Barangay President ng Jones, Isabela na akusado sa kasong panggagahasa sa isang menor de edad .

Magugunitang inaresto ng Mobile Patrol Unit ng Santiago City Police Office (SCPO) sa Barangay Kapitan Manolito Pascual sa isang mall sa Santiago City noong May 4, 2023.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nag-ugat ang kaso ni Pascual noong December 10, 2022 nang isakay niya ang naghihintay umano ng masasakyan na 13 anyos na dalagitang pauwi sa bayan ng Jones.

Dahil matagal nang kakilala ng dalagita ang barangay kapitan ay sumama siya ngunit nang makarating sila sa Jones ay sinabi umano ng akusado na may kailangan siyang asikasuhin sa Santiago City kaya inalok niya na sumama ang dalagita.

--Ads--

Pagkarating sa Santiago City ay idiniretso umano ng akusado sa isang hotel ang dalagita at doon isinagawa ang pang-aabuso.

Nang maaresto ay pansamantalang dinala sa SCPO Station 2 ang akusado bago isinailalim sa laboratory examination ngunit tumaas ang blood pressure kaya dinala siya sa isang ospital.

Nagtagal ng apat na araw sa pagamutan ang akusado bago pinayagan ng kanyang attending physician na makalabas at idiniretso na ng pulisya sa kulungan.