--Ads--

Nakatakdang magpatupad ng Load Limit ang Local Government of Alicia sa Ganano Bridge dahil sa katandaan ng tulay.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Alicia Mayor Joel Amos Alejandro, sinabi niya na unang nagkatanggap sila ng notice mula sa Department Public Works and Highway (DPWH) na naghahayag na kailangan na magkaroon ng limit o limitahan ang mga dumadaan sa Ganano Bridge dahil sa katanda na ang tulay na itinayo pa noong 1970’s.

Aniya, dahil dito magpapatupad na sila ng load limit na 18 tons na lamang ang maaaring dumaan doon at anumang sasakyan na lalampas dito ay hindi na pahihintulutang makadaan.

Kabilang sa mga sasakyan na ipagbabawal doon ay ang mga 10-wheeler trucks at tangke.

--Ads--

Ang mga ipinagbabawal na sasakyan ay pinapayuhan na dumaan na lamang sa diversion road o di kaya sa Alicia bypass road.