Inaprubahan na ngayong araw ng Provincial Development Council ang Local Development Investment Program o LDIP na naglalahad sa mga plano hinggil sa mga proyektong isasagawa sa probinsya sa sususunod na tatlong taon.
Ang LDIP ay naglalayon na magkaroon ng sentralisadong plano para sa mga susunod na proyekto sa lalawigan, tutunguhin din nitong matutukan ang mga pangangailangan sa lokal pagdating sa iba’t ibang sektor.
Mahigit 17 billion ang propose budget ng LDIP kung saan lalaanan ang iba’t ibang proyekto ng ibat ibang sektor.
Kabilang dito ang Institutional sector na may proposed budget na mahigit 393 million pesos para matutukan ang mga proyekto sa ilalim ng sektor gaya na lamang ng mga legal services, Tourism Services, Library Services at iba pa.
Ang social sector naman ay mayroong mahigit 7 billion propose budget para tugunanan ang pangangailangan pagdating sa health services, social protection, youth development services at iba pa.
Ang economic sector naman ay may propose budget na mahigit 2 billion pesos para sa mga proyekto gaya na lamang ng Agricultural Services, Economic Development, Employment Facilitation Services at iba pa.
Mayroon ding mahigit 7 billion propose projects apra sa infrastracture apra sa mga proyektong may kinalaman sa mga imprastraktura.
Ayon kay Atty. Eduardo Cabantac, head ng Provincial Planning and Development Office mahalaga ang LDIP upang magkaroon ng giya ang mga proyekto sa lalawigan sa susunod na tatlong taon.
Aniya, ang mga budget nito ay maisasama sa magiging proposed budget ng lalawigan sa mga susunod na taon at sakaling kulangin ay gagawa ng paraan ang konseho para ito ay matugunan.





