--Ads--

Ipinaliwanag ng Local Youth Development Office o LYDO ang tamang paggamit ng Internet maging ang sitwasyon ng mga kabataan sa lungsod ng Cauayan patungkol sa cyber bullying.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Christian Gonzales ng Local Youth Development Office, sinabi niya na nagkaroon sila ng pagsusuri sa oras ng paggamit ng internet ng mga kabataan sa Cauayan City.

Sinuri rin nila ang sitwasyon ng mga kabataan patungkol sa Cyberbullying tulad ng mga kabataang nakakatanggap ng hindi magandang messages o chat sa mga hindi nila kakilala.

Ipinagdiriwang ngayong Pebrero ang Safer Internet Month na layuning bigyang halaga ang digital safety at mental wellness ng mga kabataan sa paggamit ng internet.

--Ads--

Ito ay layuning bigyan ng tips ang mga menor de edad na makaiwas sa pananamantala sa kanilang pamamalagi sa online world.

Ang mga kabataan ang pinaka-vulnerable sa internet lalo na sa mga online sexual abuse at exploitation kaya dapat lamang na mabantayan at mapaalalahanan sila upang makaiwas sa mga ito.

Kasalukuyan ang pag-iikot ng LYDO sa mga paaralan sa lungsod kung saan unang inilunsad ang programa sa Gappal National High School.

Huli nilang napuntahang eskwelahan ang West Tabacal Region National High School.

Nakatakda naman silang magtungo sa Our Lady of the Pillar High School para sa isasagawang symposium sa mga mag-aaral.