--Ads--

CAUAYAN CITY- Naniniwala ang pamunuan ng 86th Infantry Batallion Phil. Army na ang pakikipag usap sa lokal na antas sa mga kasapi ng New People’s Army o NPA ang solusyon upang malutas ang problema sa insurhensiya.

Inihayag ng 86th infantry batallion sa pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council na magiging maganda pa ang kalagayang pang katahimikan at kaayusan dito sa lalawigan dahil sa kanilang pormal na pag-endorso ng localized peace talks sa hanay ng New People’s Army ( NPA)

Mananatili umano ang kaayusan sa lalawigan habang may magandang pagtutulungan at pag uugnayan ang stakeholders partikular na ang mga mamamayan.

Kapag natugunan na ang banta mula sa mga NPA ay tuloy tuloy na ang mga programang pangkaunlaran pangunahin na ang mga programang ginagawa sa kanayunan.

--Ads--