--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinalawig pa ng hanggang May 28 ang total lockdown sa Oman.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Gregorio Abalos, labor attache sa Oman, sinabi niya na pinalawig ang total lockdown sa nasabing bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Aniya, posible pa itong mapalawig muli kung hindi pa rin bababa ang kasong naitatala doon.

Sa ngayon kasi aniya ay nasa apat na libo na ang kaso sa Oman sa kabila ng mababang population sa nasabing bansa.

--Ads--
Tinig ni Atty. Gregorio Abalos.