CAUAYAN CITY-Babantayan ng lokal na pamahalaan ng Reina Mercedes ang 200 million turod-Bangquero bridge project na nakatakdang matapos sa December 2025
Ang proyekto na pinondohan ng DPWH ay nasa ikaapat na phase na kung saan nakatakda na itong matapos
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Vice Mayor Harold Respicio, tutukan ng lokal na pamahalaan ang pagbabantay sa isinasagawang konstruksiyon sa tulay
Aniya, malaking bagay kasi ito sakaling matapos apra sa mga barangay na nasa riverside
Naniniwala rin ito na mas mapapabilis ang trabaho kung bakatutok at binabantayan ang paggawa sa nasabing tulay
Samantala, sa pgtungo ng Bombo Radyo News Team sa nasabing tulay kasama ang bise mayor, nakausap namin ang contractor ng tulay
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Joshua Guitang Project Manager, sisikapin nilang matapos ang proyekto sa nakalagay sa kontrata na habggabg December 2025
Ngunit hindi niya inaalis ang posibilidad na hindi ito matapos sa nakatakdang completion ng project dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari
Ayon sa project manager, hindi nila kontrolado ang panahon kaya kung magkaroon ng pagtaas ng lebel ng tubig ay nagkakaroon din ng delay sa paggawa
Aniya, hindi kasi isinasama sa kontrata ang ganitong nga instansya kaya maaring hindi nila matapos ito sa nakatakdang panahon sakaling magkaroon ng bagyo o pag ulan na magpapataas sa lebel ng tubig











