CAUAYAN CITY – Hindi nagawa ni kamatayan na kitlin ang pag-iibigan ng isang magsaawa kahit 36 na taon na ang nakakaraan ng mamatay ang lalaki nga ngayon ay 64 anyos na ang babaeng balo.
Si Lola Sharon ay nanatiling tapat kay Lolo Lino makaraang ang lalaki ay namatay sa isang aksidente noong 1980.
Mayroon na silang tatlong anak at 28 anyos noon si Lola Sharon na maaari pa sanang manganak kung nabuhay pa ng matagal ang kanyang asawa.
Ang lola ay hindi pumapalya na dumalaw tuwing undas sa minamahal na asawa, maliban lamang kung nagkukulang ng pamasahe.
Ngayong araw kasama ang kanyang kapatid at dalawang apo ay dinalaw niya ang puntod ng kanyang mahal na mister na nakahimlay sa public Cemetery ng Lunsod ng Ilagan.
Ayon kay Lola Sharon, hindi na muling tumibok ang kanyang puso sa kabila na marami ang nanligaw sa kanya makaraan siyang mabalo.
Anya, itinuon na lamang niya ang pansin sa pag-aalaga sa tatlo nilang anak ng kanyang mister.




