CAUAYAN CITY – Nanawagan ng tulong ang isang lola para sa kanyang siyam na taong gulang na apo na sumasailalim sa gamutan dahil sa dumapong sakit dito na wilms tumor na isang hindi pangkaraniwang kidney cancer na dumadapo sa mga bata.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Margie Enalisan, sinabi niya na iniuwi muna nila pansamantala kahapon ang kanyang apo na si Adrian habang hinihintay ang resulta ng biopsy nito.
Aniya, medyo maayos na rin ang kalagayan nito subalit mahina pa ring kumain at nahihilo.
Inalis na rin nila ang nasa ilong nito kung saan idinadaan ang kanyang pagkain nang siya ay nasa pagamutan pa lamang partikular na sa Cagayan Valley Medical Center.
Ayon kay Ginang Enalisan, uuwi sana ang nanay ni Adrian na nasa kalakhang Maynila subalit ang problema nila ay sa kanilang bayan dahil baka pagdating nito ay i-quarantine o di kaya ay harangin sa daan.
Problema rin nila ang kanilang gagastusin kapag babalik na sila sa pagamutan para sa operasyon ng kanyang apo.
Ayon kay Ginang Encinares, napansin nila ang sakit ng apo noong Marso nang sumakit ang tiyan nito at sunod ay nagkalagnat na.
Sa mga gusto aniyang magbigay ng tulong ay kontakin lamang siya sa numerong 09059288620.











