--Ads--

CAUAYAN CITY– Mahaharap sa kasong rape ang 64 anyos na na lolo makaraang halayin ang isang dalagitang may diperensya sa pag-iisip sa Ramon, Isabela.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Cauayan, naglalakad ang biktimang itinago sa pangalang Nene pauwi sa kanilang bahay nang madaanan niya ang matanda na nangunguha ng pagkain ng kanyang mga alagang hayop.

Dito ay bigla na lamang hinila ng lolo ang biktima patungo sa kanilang bakuran at doon isinakatuparan ang panggagahasa.

May nakakita sa pangyayari na agad na humingi ng tulong upang madakip ang suspek.

--Ads--

Ang biktima at ang lolo ay magkapit bahay.

Ang suspek ay nasa pangangalaga na ngayon ng Ramon Police Station at inihahanda na ang kasong rape laban sa kanya.