--Ads--
CAUAYAN CITY– Nadakip ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang isang lolo na number 1 sa listahan ng mga pinaghahanap ng batas sa City Level.
Ang dinakip ay itinago sa pangalang lolo Andoy, 68 anyos, may-asawa, residente ng Tagaran, Cauayan City at nahaharap sa kasong statutory rape.
Ang warrant of arrest sa suspek ay ipinalabas ni Hukom Ariel Palce ng Regional Trial Court Branch 40 ng Cauayan City.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ang suspek.
--Ads--
Nasa pangangalaga na ng Cauayan City Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.




