--Ads--

Isang 87-anyos na lolo sa Oklahoma ang sinorpresa ng kanyang pamilya matapos makuha ang Guinness World Record para sa pinakamalaking koleksiyon ng bricks na umabot sa 8,882 piraso!

Habang wala sa kanyang bahay si Clem Reinkemeyer, lihim na binibilang at idinokumento ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang kanyang koleksyon ng mga bricks.

Pagbalik niya, isang opisyal na Guinness certificate ang sumalubong sa kanya bilang patunay sa kanyang world record.

Apat na dekada nang nangungulekta si Reinkemeyer, at isa sa kanyang pinaka-prized possesion ay isang Roman brick mula pa noong A.D. 100.

--Ads--

May ilan ding may maling spelling, tulad ng isang brick na may “Tulsa” pero baliktad ang letra “S.”

Isa sa kanyang paborito ay isang sidewalk brick mula sa isang pasilidad sa Washington, ang eksaktong lugar kung saan nakatayo ngayon ang Pentagon.