--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang lolo matapos barilin ang sarili sa Barangay Villa Rey, Echague, Isabela.

Ang nagpakamatay ay isang pitumpong taong gulang na residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, pinakain ng tanghalian at pinainom ng gamot  ng anak ang kanyang maysakit na ama.

Matapos nito ay iniwanan sa loob ng kuwarto ngunit nakarinig ng putok ng baril ang anak na galing sa kuwarto ng ama.

--Ads--

Kaagad na tinungo ang silid ng ama at nakitang may hawak na baril ang kaliwa nitong kamay at naliligo na sa sariling dugo ang kanyang ama.

Isang caliber 38 na walang serial number na mayroong limang bala at basyo ng bala ang nakuha sa crime scene at nasa pangangalaga na ng mga kasapi ng Echague Police Station.

Nagsasagawa na ng karagdagang imbestigasyon ang pulisya sa nasabing insidente.