--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lolo matapos maaksidente sa pambansang lasangan na bahagi ng Brgy. Ipil, Echague, Isabela.

Ang biktima ay si Amante Co,62 anyos ,may asawa, at residente ng Brgy. Buenavista, Lungsod ng Santiago.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, binabagtas umano ng biktima ang nabanggit na lansangan sakay ng kanyang motorsiklo nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay hindi umano nito napansin ang ginagawang daan.

Dahil dito ay bumangga si Co sa mga bollard at nawalan ng kontrol sanhi para matumbang ang sinakyang motorsiklo .

--Ads--

Nagtamo ng mga sugat ang biktima na dinala pa sa pagamutan subalit namatay habang nilalapatan ng lunas.