--Ads--
CAUAYN CITY – Patay ang 66 anyos na Lolo na residente ng barangay 1 matapos magbigti.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Punong-Barangay Wilfer Clemente ng barangay 4 na sa kanilang barangay naganap ang pangyayari.
Anya ang lolo ay mayroong diperensiya sa pag-iisip bagamat nauna nang gumaling makaraang ipagamot sa Tuguegarao City.
Nitong mga nakaraang araw ay nakakitaan ng kakaibang kilos ang biktima at nagtangkang magpakamatay subalit napigilan ng mga kaanak .
--Ads--
Ang Lolo ay nakatira sa kanyang anak sa barangay four at noong mga nakaraang araw ay maayos naman ang pag-iisip dahil gumagawa pa ng mga walis.
Nagulat na lamang ang mga mag-anak nang makita ang lolo na nakabitin na at wala nang buhay.




