Pinatunayan ng isang 87-anyos na lolo sa Tampa, Florida na ang edad ay numero lamang matapos siyang kilalanin ng Guinness World Records bilang “oldest person to kite surf”.
Si Rick Brackins, na nagsimula lamang sa sport noong 2006 habang nagbabakasyon sa Dominican Republic, ay aktibo pa ring humahataw sa alon sa edad na 87 and 20 days old.
Madalas pa siyang nakikitang nakikipagsabayan sa kanyang anak at apo, isang pambihirang tagpo ng tatlong henerasyon ng pamilya na sabay-sabay na nagka-kite surfing.
Ayon sa kanyang pamilya, nagsisilbing inspirasyon si Rick sa mga tao sa beach na madalas magdalawang-isip kumuha ng lessons dahil sa katandaan.
Bukod sa kite surfing, hilig din ng masiglang lolo ang diving at spearfishing bilang paraan ng pagpapanatili ng kanyang kalusugan.
Tinalo niya ng isang dekada ang record ng female counterpart na si Susan Frieder (77 anyos), at dikit na sa record ng oldest surfer na si Seiichi Sano (88 anyos).











