Tuluyan nang nabuo bilang isang tropical depression ang binabantayang Low Pressure Area sa silangang bahagi ng Hilagang Luzon.
Ito ay tatawagin na ngayong bagyong “Kiko.”
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,170km East Northeast ng Extreme Northern Luzon at taglay nito ang lakas ng hangin na 55km/h at pagbugsong 70km/h.
Kumikilos ito pa northward sa bilis na 15km bawat oras.
Sa ngayon ay wala pang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa alinamang bahagi ng bansa.
Sa kabuuan ng forecast period ay hindi inaasahan ang direktang epekto ng bagyong Kiko sa kalupaan maging sa coastal waters ng bansa.
Batay sa forecast track ng bagyo, patuloy itong kikilos pa northward o di kaya’y pa northwestward patungong Southern Japan.
Inaasahan naman na bibilis ang pagkilos ni Kiko at posibleng lumabas na rin ng Philippine Area of Responsibility mamayang hapon.
Gayunpaman ay hindi pa rin inaalis ang posibilidad na mas lalo pa itong lumakas at maging isang ganap na Tropical Storm mamayang gabi o bukas ng umaga, ika-4 ng Setyembre.











