--Ads--
Mababa ang posibilidad na mabuo bilang isang tropical depression o bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng susunod na 24 oras, ayon sa PAGASA nitong Linggo.
Batay sa pinakahuling ulat ng state weather bureau, alas-8 ng umaga nang mamataan ang LPA sa layong humigit-kumulang 1,405 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na patuloy na magbantay sa mga susunod na weather advisory para sa mga posibleng pagbabago sa lagay ng panahon.
Samantala, sinabi rin ng ahensya na patuloy na makaaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa Northern at Central Luzon, na magdudulot ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa ilang lugar sa mga nasabing rehiyon.
--Ads--











