--Ads--

Tuluyan ng naging ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tatawagin itong bagyong “Bising”.

Base sa datos ng PAGASA, nakita ang sentro ng bagyong “Bising” sa may 200 km West Northwest ng Calayan, Cagayan.

May taglay ito na lakas ng hangin ng 45 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 55 kph.

--Ads--

Sa kasalukuyan isinailalim na sa tropical cyclone wind signal no. 1 ang western portion ng Babuyan Islands pangunahin ang Calayan Island and Dalupiri Island, northwestern portion ng Ilocos Norte pangunahin ang Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin at Dumalneg.

Batay sa forecast track ng PAGASA, kikilos ang bagyo pakanluran sa susunod na 12 oras at maaring lumabas na rin ng Philippine Area of Responsibility ngayong araw. Matapos nitong makalabas ng PAR at liliko ito pa-northeasward at maaring pumasok muli sa western boundary ng PAR sa araw ng linggo at magiging isang tropical storm bago ito dumiretso sa karagatan ng Taiwan.

Hindi naman inaasahan ang pagtataas pa ng wind signals sa alinmang lugar sa bansa.