--Ads--

Isa nang Tropical Depression ang low-pressure area na nasa silangang bahagi ng Mindanao. Ito ay pinangalanan bilang Tropical Depression Ada.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 635 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur ang sentro ng bagyo, na may maximum sustained winds na 45 km/h at gustiness hanggang 55 km/h.

Kasalukuyang gumagalaw ang bagyo pakanluran-kanluran sa bilis na 35 km/h.

Dahil dito, isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao kabilang ang Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.

--Ads--

Ayon sa forecast ng PAGASA, posibleng dumaan o tumama ang bagyong ADA sa Eastern Visayas sa Biyernes o Sabado at sa Catanduanes sa Sabado o Linggo, bago ito liliko pakanluran-hilaga sa dagat silangan ng Luzon.

Inaasahan ring lalakas pa ito bilang Tropical Storm sa susunod na 24 oras at patuloy na lalakas habang nasa Philippine Sea.

Patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na maging handa at sundin ang mga abiso para sa kaligtasan.