--Ads--

Tuluyan ng nalusaw ang Low Pressure Area sa silangan ng Mindanao o ang dating bagyong Ada.

Sa ngayon nakaapekto ang Shear Line sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao, habang ang Amihan o Northeast Monsoon naman ay nakaapekto sa Luzon at nalalabing bahagi ng Visayas, ayon sa pinakahuling ulat-panahon.

Sa Caraga, Eastern Visayas, Central Visayas, Sorsogon, Masbate, Camiguin, at Misamis Oriental, nakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa shearline.

Samantala, sa Cagayan Valley, nalalabing bahagi ng Visayas, nalalabing bahagi ng Bicol Region, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon, nakaranas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan.

--Ads--

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan na may pulupot na mahihinang pag-ulan, dulot din ng Amihan.

Sa nalalabing bahagi ng Mindanao, bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan na may pulupot na pag-ulan o pagkidlat-pagkulog na dulot ng localized thunderstorms.