--Ads--

CAUAYAN CITY – Tuluyan nang naging bagyo ang low pressure area na minomonitor ng weather bureau at pumasok na rin sa Philippine area of responsibility.

Tinawag naman itong Kristine ng DOST-PAGASA.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Kristine sa layong 1,255 km East of Southeastern Luzon. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70km/h.

Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 30km/h.

--Ads--

Batay sa forecast ng weather bureau matapos ang pagpasok nito sa PAR ay liliko ito panorth westward at inaasahang maglandfall sa bahagi ng Cagayan sa araw ng byernes.

Malaki rin ang tiyansa na ito ay lumakas pa bilang tropical storm bago ang paglandfall nito dahil nasa karagatan pa ito sa ngayon.

Bagamat malayo pa ito sa kalupaan ay nakakaapekto na sa ilang bahagi ng bansa ang mga kaulapang dala nito.

Sa ngayon ay umaabot na ang kaulapan nito sa Southern Luzon at Visayas na inaasahang magdadala na ng mga pag-ulan at thunderstorms na maaaring magdulot din ng mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

Inaasahang patuloy na susungit ang lagay ng panahon sa malaking bahagi ng bansa lalo na sa Luzon dahil sa patuloy na paglapit at paglakas pa ng bagyo na nagbabadya pa ring manalasa sa Northern Luzon sa mga susunod na araw.