--Ads--

Tumaas ang tiyansa na mabuo bilang isang bagyo sa susunod na 24 oras ang binabatanyang low pressure area na huling namataan sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Ayon sa state weather bureau, mataas ang tiyansa na ito ay magiging isang ganap na bagyo o tropical depression sa susunod na 24 oras at makakaapekto sa Northern Luzon.

Ang trough o kaulapan na dala ng LPA ay nagdudulot na ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa bahagi ng Isabela, Quirino maging sa Quezon at Aurora.

Dahil sa lapit nito sa kalupaan, kung magiging bagyo ito ay inaasahang magtataas kaagad ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa silangang bahagi ng Northern luzon partikular na sa mga probinsya ng Isabela at Cagayan.

--Ads--

Hindi rin inaalis ang posibilidad na ito ay direktang tumama sa Cagayan.

Nagpapatuloy naman ang maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa epekto ng Habagat o Southwest Monsoon.