--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinututukan na ng isang LPG Manufacturer ang pag-phaseout sa mga substandard Liquified Petroleum Gas o LPG Tanks sa Region 2.

Ito ay dahil puntirya nilang mapalitan ang nasa isang milyong substandard na Liquified Petroleum Gas o LPG tanks sa buong Lambak ng Cagayan pagsapit ng Oktubre.

Muling binigyang diin ni LPGMA Partylist Rep. Allan Ty, sa LPG dealers conference, na libre o walang bayad ang pagsu-swap sa mga dilapidated na LPG tanks.  

Aniya na nakapaloob sa RA. 11592 o LPG Industry Regulation Act na libre ang pagswap o pagpapapalit sa mga tangke upang tuluyan nang mawala ang mga dilapidated o substandard na tangke sa rehiyon.  

--Ads--

Upang maisakatuparan ito ay magbibigay ng 50,000 na bagong tangke kada buwan ang LPG manufacturer upang matugunan ang problema sa mga substandard na tangke sa Rehiyon Dos na sinimulan noon pang nakaraang buwan.

Tinatayang nasa isang milyong cylinders ang kailangang palitan sa Rehiyon kayat inuunti-unti nila ang pagdidistrubute.

Target nila na pagsapit ng Oktubre ngayong taon ay matapos na ang swapping ng mga LPG Tanks.

Ipapadala ng manufacturer sa mga refilling plants ang mga bagong tangke kapalit ng mga hindi na pwedeng pakinabangan na tangke.  

Ito ang isusuplay sa mga dealers at libre itong isu-swap sa mga consumers.  

Ang mga tangke na hindi na pwedeng pakinabangan ay sisirain at ibibigay din sa mga supplier pagkatapos nitong sumailalim sa diagonal cutting.