--Ads--

Nakumpirma ng Public Order and Safety Division (POSD) at Business Permit and Licensing Office (BPLO) na mayroong isang LPG store sa lungsod ang binabawasan ang laman ng mga binebentang LPG tank.

Inihayag ni License Inspector 2 Rogelio Dumlao, dalawang taon na aniya nilang minamanmanan ang nasabing ilegal na gawain ng LPG store ngunit ngayon lang nila nakumpirma dahil may naaksidente.

Sa ginawnag inspeksyon ng BPLO at POSD, nalamang daan daang LPG tank na ibinebenta ng tindahan ay nagmumula sa planta, agad nilang binabawasan ang karga ng mga tangke bago mag distribute sa ibang karatig bayan.

Bukod sa pagbabawas ng laman ng tangke nakapagtala pa ng bagong violation ang tindahan dahil sa pagkumpuni ng mga sirang LPG tank.

--Ads--

Karamihan sa mga tangke ng nasabing LPG store ay mga luma na at hindi na ligtas gamitin ngunit pinipinturahan lamang ito upang mag mukhang bago.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Department of Trade and Industry, Department of Energy, at maging sa Bureu of Fire Protection para sa susunod na aksyon labain sa LPG distributor.

Lumalabas din na tanging store permit lamang ang permit na meron ang LPG Store.

Nilinaw narin ngayon ng BPLO na hindi nila bibigyan ng business permit ang tindahan kung hindi bibigyan ng clearance ng Barangay na nakakasakop dito.