--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinalaga si Lt Col Ali  Alejo bilang bagong commanding officer ng 86th Infantry Battalion Philippine Army kapalit ni  Lt Col Remigio Dulatre  na naitalaga bilang Assistant Chief of Staff for Civil Military Operations, G7 ng 5th Infantry Division sa Gamu, Isabela.

Ang simpleng turnover of command ceremony na isinagawa sa headquarters ng 86th IB sa Barangay 1, Jones, Isabela ay pinangunahan ni Maj Gen Pablo Lorenzo, commander ng 5th ID.

Ito ay na dinaluhan din nina Mayor Leticia Sebastian  ng Jones, Isabela, Mayor  Ceasar Mondala ng  San Agustin, Isabela, 19 barangay kapitan at mga hepe ng pulisya sa ilang bayan sa Isabela, Quirino  at  Nueva Vizcaya.

Bago naitalagang mamuno sa 86th IB, si Lt Col Alejo ay naging Executive Officer ng  503rd Infantry Brigade sa Kalinga.

--Ads--

Bago ito ay naitalaga  rin siya Visayas at Mindanao sa loob ng 15 na taon.

Sa naging pagsasalita ni Lt Col Alejo, hinamon niya ang mga sundalo ng 86th IB na paigtingin ang kampanya upang masugpo ang suliranin sa insurhensiya sa kanilang mga nasasakupan.

Hinamon naman  ni Maj Gen  Lorenzo ang bagong commanding officer ng 6th IB na ibigay ang buong makakaya na tuparin ang kanilang misyon.

Pinuri rin niya si Lt Col Dulatre sa panahon ng kanyang pamumuno sa  86th IB.