--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigpit ang pagpapaalala ng Land Transportation Franchising Rregulatory Board ( LTFRB)  sa mga pasahero laban sa mga colorum na sasakyan na sinasamantala ang dami ng mga bibiyahe ngayong Kapaskuhan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Aileen Lizada, tagapagsalita at board member ng LTFRB, dagsa ang ngayon ang mga magsisiuwian sa kanilang mga lalawigan kaya pinayuhan niya ang publiko na iwasang sumakay sa mga colorum na sasakyan.

Paliwanag ni Atty. Lizada, wala umanong maasahang insurance o tulong pinansyal ang isang pasahero sa kanyang pagpapagamot sakaling masangkot sa aksidente ang colorum na sasakyan.

Sinabi pa ni Atty. Lizada na mapapatawan ng isang milyong pisong multa at tatlong buwang ma-iimpound sa kanilang tanggapan ang sinumang colorum na bus na mahuhuli ng LTFRB.

--Ads--

Mag-iikot aniya sa mga terminal ang mga tauhan ng LTFRB katuwang ang LTO Enforcers upang suriin ang mga sasakyan kung may kaukulang prangkisa at maayos ang kondisyon nito para sa ligtas na pagbibiyahe ng mga pasahero.

Samantala, kinumpirma rin ni Atty. Lizada na prinoproseso na ng LTFRB ang nasa mahigit apatnaraang aplikasyon ng 1,143 units ng mga bus na nais makabiyahe sa ibat ibang mga ruta sa lalawigan ngayong holiday season.