--Ads--

Kinumpirma ng LTFRB nitong Sabado, Marso 28, na nagbigay ito ng special permit sa 1,297 pampasaherong bus bilang paghahanda sa Semana Santa.

Inaasahang dadagsa ang mga pasaherong uuwi sa probinsya para magbakasyon at gunitain ang Mahal na Araw. Ayon kay LTFRB chairperson Vigor Mendoza II, layunin ng mga permit na matiyak na may sapat na bus na papasada sa kasagsagan ng biyahe.

Dagdag pa ng ahensya, posibleng mas dumami ang pasahero dahil mas pinipili ng ilan ang pampublikong transportasyon kaysa gumamit ng pribadong sasakyan sa gitna ng mataas na presyo ng langis.

Inatasan na rin ang mga regional director na tiyaking sumusunod ang mga terminal sa roadworthiness at inspection protocols, habang pinaalalahanan ang mga operator at driver na siguraduhin ang kaligtasan ng biyahe.

--Ads--

Nagsagawa rin ang LTFRB ng mahigpit na inspeksyon sa mga terminal upang matugunan ang mga reklamo, at nagbabala na papatawan ng parusa ang mga lalabag.