--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi nakaapekto sa sektor ng transportasyon ang ikinasang transport strike at unity walk ng mga consolidated jeepney driver operators.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PISTON chairman Mody Floranda sinabi niya na halatang planado ang ginawang Unity Walk ng mga grupong pabor sa PUV Modernization program dahil maging ang LTFRB Chief na si Teofilo Guadiz ay nakiisa.

Aniya, maaaring taktika lamang ito para ipakitang tunay ang sinasabing datos na 81% ng transport sector kabilang ang driver at operators ang nag-comply sa modernization

Sa kabila ng pagtututol sa panukala ng Senado na resolusyon para ibasura ang implementasyon ng Modernization program ay hindi halos nakaapekto sa sektor ng transportasyon ang ginawang unity walk gayunman may epekto ito sa relasyon sa sektor ng transportasyon dahil tila pinag-aaway na ang mga unconsolidated at consolidated jeepney operators.

--Ads--

Kapansin-pansin din na maraming mga modernized jeepney ang nagbiyahe sa kabila ng pahayag na may transport strike.

Desidido ang PISTON na isulong sa Pamahalaan na kilalanin ang ipinasang resolusyon ng Senado dahil ito ay resulta ng ginawang pag-aaral o pagsisiyasat kung saan may nakitang butas sa modernization program.

Umaasa sila na ikokonsidera ito ng Pamahalaan para muling mapag-aralan ang usapin ng Modernisasyon sa sektor ng transportasyon.