Ikinagagalak ng LTO Alicia District Office na makapagbigay serbisyo na sa taumbayan sa bago nilang opisina.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LTO Alicia District Office Chief Dennis Buendia, sinabi niya na masaya sila na unti unting nagbubukas na ang kanilang bagong gusali para makapagbigay ng serbisyo sa publiko gaya ng renewal of license, renewal of registration, at law enforcement.
Sakop ng Alicia District office ang Bayan ng Alicia, Angadanan, San Guillermo at San Mateo.
Sa ngayon nangunguna pa rin ang kawalan ng lisensya sa mga traffic violations na kanilang nahuhuli, sinundan ng mga walang rehistro, walang helmet at may defective accessories.
Sa katunayan ay may designated team sila na nakatalaga para sa law enforcement kaya aasahan na may mga enforcers sila sa San Mateo, Alicia, Angadanan at San Guillermo.
Ang mga nahuli sa mga lugar na sakop nila ay dinadala sa kanilang opisina habang ang mga nahuli sa labas ng kanilang AOR ay dadalin sa pinaka malapit ng LTO Offices.