--Ads--

Nahagip ng isang Tricycle ang enforcer ng Land Tranportation (LTO) habang nagsasagawa ng Roadside Inspection sa Aurora, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Manny Baricaua ng LTO Region 2, sinabi niya na habang kasakuluyan ang inspection ay pinara ng kanilang kasamahan ang rumaragasang tricycle ngunit sa halip na huminto ay dumiretsyo lang ito dahilan upang mahagip nito ang naturang enforcer.

Tinakbuhan din nito ang biktima ngunit agad ding natukoy ang pagkakakilanlan ng tsuper sa pamamagitan ng impormasyon na ibinahagi ng isang concerned citizen na nakakita sa pangyayari.

--Ads--

Dahil dito ay ipinatawag siya sa tanggapan ng LTO at inisyuhan ng ticket matapos mapag-alaman na hindi rehistrado ang tricycle nito at para sa hindi nito pagtalima sa mga traffic officer.

Pinag-aaralan na rin ng ahensya kung ano ang maaaring isampa laban sa tsuper ng Tricycle.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakaranas ng ganitong pangyayari ang mga LTO Enforcer dahil hindi umano maiiwasan ang mga ganitong pangyayari.

Giit ni Baricaua na bagama’t may banta sa kanilang seguridad tuwing sila ay nagsasagawa ng mga inspection ay hindi aniya sila maaaring tumigil lalo na at bahagi ito ng kanilang mandato.