--Ads--

CAUAYAN CITY– Isasagawa ng Land Transportation Office (LTO) ang public bidding o subastahan ng mga motorsiklo sa ikalabing apat ng Agosto.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Deo Salud, hepe ng LTO Cauayan City, sinabi niya na ipasusubasta ang 96 na motorsiklo.

Ito ang mga anim na buwan ng nakatengga sa kanilang impounding area sa LTO extension office.

Ito ay mga nasangkot sa aksidente at hinuli dahil sa iba’t ibang paglabag.

--Ads--

Ayon kay G. Salud, aprubado ng Commission on Audit (COA) ang kanilang ipinataw na presyo sa bawat ipasusubastang motorsiklo.

Lahat ay maaaring sumali sa nasabing subastahan maging ng mga tunay na may-ari nito.

Ang mga mananalong bidder ay kailangan pa ring iparehistro sa LTO ang motorsiklo para magkaroon ng deed of sale bilang patunay na nabili ito ng legal at dumaan sa proseso.