--Ads--

CAUAYAN CITY- Mas lalong maghihigpit ang Land transportation Office sa paghuhuli ng mga motorista na hindi sumusunod sa mga batas trapiko bilang bahagi ng kanilang intensified operation.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na titignan na nila lahat nga mga kaukulang dokumento9 ng mga motorista gaya ng rehistro, drivers licence maging ang plaka ng sasakyan.

Paraan aniya ito ng LTO upang matukoy ang backlogs sa lisensya at plaka.

Pwede naman aniyang magpakita ng resibo bilang alternatibo sa plaka ngunit bubusisiin aniya nila ng mabuti kung available na ang kanilang mga plaka ngunit hindi pa rin nakukuha.

--Ads--

Nangunguna naman sa kanilang talaan ang mga nagmamaneho ng walang lisensya maging ang mga walang rehistro.

Samanatala, sang-ayon naman siya sa panukalang pagre-release ng plaka sa pag-rerelease ng sasakyan mula sa mga dealers.

Aniya, mas madali ang ganitong proseso dahil hindi na kinakailangan pang mag-antay ng mahabang panahon para lamang magkaroon ng plaka.

Papabor din aniya ito sa mga motorista para hindi na sila ma-issuehan ng ticket para sa violation nang dahil lamang sa kawalan ng plaka.